BIR 101 : For new Entrepreneur

What will you do if you forgot to file your Tax?

Hello po again this is Broker Vher. For today hindi po natin pag-uusapan ang bahay but regarding sa pag file ng ating tax. Ito po ay makakatulong din sa iba na nagsisimula ng kanilang negosyo na registered sa munisipyo na nakakasakop ng lugar kung saan nila itinayo ang kanilang negosyo. If tayo naman po ay isang PRC registered Real Estate Agent then we are required na rin na kumuha ng ating Official Receipt and this topic will englighten you somehow.

For the record hindi naman po ako expert when it comes to tax, but i will only share my experiences and knowledge gain in attending BIR Tax Seminar.

Unang question if kukuha tayo ng resibo is Vatable po ba or non-VAT (percentage) during the application. Brief explanation po ay VAT kapag ang projection mo na kita within a year ay lalampas ng 3M. And percentage naman or non-VAT if below. 

Second question ay ano-ano ang mga babayaran kong taxes? Ang sagot po ay makikita sa ating COR (Certificate of Registration)



Base dito sa aking Old COR ang mga taxes na kailangan kong bayaran ay Income Tax (1701Q), Percentage Tax - Monthly (2551M) at Annual Registration Fee. But with the implementation of TRAIN Law nawala na po itong 2551M at pinalitan ng 2551Q.

Tanong ko sa nag conduct ng seminar hindi po ba double taxation kasi nag file na ako ng 2551Q then the next month ay mag file naman ako ng 1701Q?

Answer : Hindi po. Why? Kasi pwede po ninyong ibawas sa 1701Q yung taxes na binayaran ninyo sa 2551Q under the category of Government Taxes paid.

Sample meron kang 2,500 na babayaran sa 1701Q pero last month naman ay nagbayad ka ng 2,000 sa iyong 2551Q then kapag ito ay ibinawas mo nasa 500 pesos na lang tax due mo.

In summary may 2 types of taxes daw tayong binabayaran. Yung Income Tax (1701Q) and Business Tax. Under sa Business tax eh kung Vatable ka or Percentage.

Ito po yung copy of schedule ng pagbabayad natin ng buwis.

Schedule of Filing our Taxes



Three (3) Simple Steps if you fail to file your taxes

Sample ang nakalimutan po nating i file ay 2551Q. 

Step 1. Using online filing software ng BIR ay mag file and print tayo ng hindi natin na file na taxes.

To download Online Filing Software of BIR and install it in your computer and Laptop just click this link.
 https://www.bir.gov.ph/index.php/eservices/ebirforms.html

Step 2. Then dadalhin po natin ito sa RDO (Revenue District Office) kung saan tayo nag open ng resibo. Binan po ay RDO 57. Then pupunta po tayo sa counter 6 - Information para i compute po nila ang ating magiging penalty at lalagyan nila ito ng late filing stamp. 

Step 3. Then the next thing to do na ay babayaran na natin ito sa banko.

Actual documents computed for penalty by BIR

So ito yung hindi ko na file na 2551Q at ang 2014 na 1701 (ITR) na hindi ko talaga na i file kasi hindi ko naman alam na kailangan mo palang mag file kahit wala kang income. Basic kaagad na meron tayong P1,000 pesos na penalty then additional charges if may income tayong na declare. So dyan yung P1,720 na dapat kong bayaran ay naging P4,292. Then dun sa aking 2014 ITR ay P1,000 pesos lang since wala namang income declaration.

Note : Kahit wala pong income ay kailangan natin mag file online and don't forget to save yung reply ng BIR kasi magagamit natin itong proof that we apply online kapag meron nakita sa ating cases pero in actual ay nagfile naman tayo online. Remember na isang case ay may minimum kaagad tayong P1,000 na penalty compare dati na P200 lang.

Two things pa pala, kailangan daw po 90 days bago mag expire ang ating resibo ay makapag apply na po tayo ng bago. Magkano ang penalty kapag hindi natin ito nagawa at nakapag issue tayo ng expired receipt? P21,000
Saan makikita kung kailan ang expiration? Sa resibo po mismo natin.

And kung non-VAT ka (percentage) pero alam mo na lalampas ka sa 3M na threshold within a year, kailangan mag apply ka from non VAT to VAT kasi kung hindi mo gagawin direct daw ang computation na gagawin sa mga excess mo and malaki daw po ito.

Paano mo malalaman kung meron kang hindi na i file na taxes?


Answer : Go to the BIR kung saan tayo nag open ng resibo then go to VERIFICATION Section. In RDO 57 (Binan) ito ay counter 5. Sabihin lang po natin na mag check tayo if meron tayong mga open cases. Itatanong lang po sa atin ang atin TIN number and they can print it out kaagad kung meron. In my case ito ang mga lumabas.





Meron akong 9 open cases in total. But since naitabi ko lahat ng mga email ni BIR proof that i file yung iba dyan, i save 5 open cases. So napakalaging bagay nito kasi that is already P5,000 pesos. Then yung remaining 4 cases ko ang aking inayos.

Once makapag print na tayo ng ating mga open cases at nadala sa kanila for computation of penalty and nabayaran na sa banko, kailangan po nating bumalik sa Verification. May mga gagawin pa po kasing proseso and once okay na tayo sa Verification ang susunod naman ay sa Collection. Sa collection kasi nakikita kung naibayad na ng bank sa BIR yung ating mga penalty. Then makakatanggap po tayo ng certification from BIR.








Just want to share yung experience ng isa kong nakausap during may waiting para matawag sa line.
Itago natin siya sa pangalang Ana.

Ako : Open case din po yan? (Although alam ko na kasi nakikita ko yung form niya, kaso tinanong ko lang kasi makapal siya)

Ana : Oo, Bwisit nga eh, gusto ko nang matapos ito  at ipasara ang resibo ko.

Ako : Ano po ba ang nangyari and magkano ang babayaran nyo?

Ana : Naiiyak na nga ako kasi nasa P100K+ ang babayaran ko. Naloko kasi ako nung taong naglakad ng BIR ko. In summary, Isinarado nya ang kanyang business dito sa Binan. Pina close nya yung permit sa munisipyo and may taong naglakad ng BIR receipt nya para i close na binayaran nya daw ng P30,000. 

Ako : Paano kayo na convince nung tao na sarado na yung BIR receipt ninyo? May resibo po bang binagay for payment?

Ana : Tanga ko nga eh. Walang resibo pero na convince ako kasi may ibinigay sa aking Tax Clearance Certificate. (Ipinakita rin sa akin yung certificate). Di na rin namin ma contact yung tao.

And yun tinawag na sya.

Lesson : Always ask for the receipt kahit ipapa close mo ay receipt mo mismo!


Batangas/Cavite/Laguna Properties