Limang (5) Proseso ng Pagkuha ng Bahay Thru Pagibig

Good Day! Andito na naman po tayo to help our KABABAYAN na malaman ang limang steps sa pagkuha ng bahay sa Pagibig under the Developer assisted account. Mamaya po ay ipapaliwanag ko kung ano ang ibig sabihin ng "developer assisted account".



Marami po sa atin ang natatakot kumuha ng bahay dahil hindi alam ang proseso at natatakot na baka mahirapan sa paglalakad ng mga documents. Huwag po mangamba kasi kinaya po ng iba at 100% pong kaya rin natin ang pagkuha ng bahay gamit ang ating Pagibig membership.
Ito po ang limang (5) proseso na usually ginagawa kapag tayo po ay kumukuha ng Pagibig Housing Loan sa isang subdivision. Kaya ko po sinabi kanina na "developer assisted account" kasi ang developer po ang magpa process ng ating housing loan sa Pagibig. 

Step 1 : Reservation
Usually po ay marami tayong makikitang house and lot advertisement online. Just make sure lang po na we are transacting with Licensed Real Estate Broker / Agent. Under RESA Law (Real Estate Service Act), RA 9646, only duly licensed Real Estate Broker / Agent are mandated to practise real estate selling.
Magpa schedule po tayo ng actual site visit or popularly know as "tripping". Dito po kasi makikita natin if okay sa atin ang lugar, and ano ang actual turnover ng bahay. Mas makakapag tanong din po kasi tayo in actual regarding sa proseso, computation, house turnover, available location ng mga bahay on the map, atbp. Once we have all the information na kailangan natin at that very moment alam na natin kung gusto natin ang bahay o hindi. If gusto na natin talaga siya the very first thing to do is the "Reservation of Unit". Mahalaga ito kung meron tayong gustong gustong lugar sa subdivision at para hindi tayo maunahan ng iba na mapili ang Blk and lot na gusto natin.

Q1 : Ano ang mga documents na kailangan sa Reservation?
  
 1. One month latest payslip
    Latest Job Contract (OFW)
 2. copy of our Company ID
 3. copy of any Government ID
(SSS, TIN, PRC, Passport, 
 UMID, Drivers License and Postal)
Isa po sa mga requirements ang latest payslip / copy of Job Contract for OFW para makita ng developer if pasok po tayo sa required income. Paano kung hindi tayo pumasok sa required income? Pwede pa rin po tayong makakuha ng units provided meron tayong co-borrower which is pwede ang ating kabiyak na working din. Combine Income po ang gagawin para pumasok tayo dun sa income requirement. Isa pang option ay lakihan ang ating downpayment para mas maliit ang ating loan or utang kay Pagibig. Ito naman pong mga IDs ay para masigurado na tama ang pangalan (spelling) na ilalagay sa mga housing documents.
For OFW kailangan po na may time siya at kaya niyang makapunta ng Philippine embassy kung saan bansa po siya naroon. Lahat po kasi ng OFW na kumukuha ng bahay ay kailangan mag execute ng SPA FORM.  

Know more about SPA Form dito po sa aking BLOG regarding dito.
https://mrhomebuddy.blogspot.com/2018/07/what-is-spa-form-for-ofw-house-buyer.html



Step 2 : Monthly Equity / Downpayment
Standard po sa lahat ng developer, one month after our unit reservation ay magsisimula na ang ating buwanang pagbabayad ng equity or downpayment. Usually po karamihan ay kailangan mag-issue ng check ng buyer sa developer para dito. Example ay 2yrs to pay ang ating equity then kailangan natin mag-issue ng 24 post dated checks sa developer.

Q2 : Paano kung wala akong account sa bank or post dated checks?
Huwag pong mag-worry kasi halos lahat po ng kumukuha ng bahay ay ganyan ang situation. Ang developer po ay magbibigay sa inyo ng referral para makapag open kayo ng Post Dated Checks sa bangko.

Step 3 : Submission of Documents
Usually basic naman po ang mga documents na hinihingi ng Pagibig sa developer para sa kanilang mga client. 
  
 1. One month latest payslip
    Latest Job Contract (OFW)
 2. copy of our Company ID
 3. copy of any Government ID
 4. Birth Certificate
 5. Marriage Contract(if married)
 6. ITR
 7. Certificate of Employment Compensation
 8. Billing Address (Meralco and Water)
    Kahit hindi po ito nakapangalan sa atin
 9. MSVS (Sa Pagibig po ito kinukuha)
    Dito malalaman if may existing housing loan
    ang buyer na hindi nabayaran at kung meron nga
    siyang minimum required na 24 
    months contribution

Step 4 : Attend Pagibig Seminar
Isa po sa mga requirement ni Pagibig ay ang actual na pag attend ni buyer ng seminar sa kanila. Gusto po kasi makita ni pagibig at makausap nang aktwal ang kumukuha sa kanila ng bahay. Napakahalaga rin po nito para sa mga kumukuha kasi dito rin ipinapaliwanag ni Pagibig ang kanilang mga policy lalo na kung hindi tayo makabayad ng hulog. Isa lang po ang masasabi ko, "very considerate po ang pagibig basta makipag-usap lang po tayo sa kanila". For some reason like nawalan ka ng trabaho, may nagkasakit sa pamilya atbp kaya hindi natin nahulugan ang ating bahay. Kailan ba kukunin ni Pagibig ang ating unit? Ops! Alamin natin sa seminar.

After po nito usually ang next step ay tatawag sa atin ang developer para papirmahin po tayo ng makapal na documents na galing sa Pagibig. Ito po ay maririnig natin madalas na "NOA" (Notice of Approval). Kapag nakapirma na po tayo nito ay nalalapit na po ang ating pangarap na bahay kasi ang next na tawag na po sa atin ng developer ay para sabihin na "loan takeout na po kayo" Loan takeout means na approved na ang ating housing loan.

Step 5 : Punch Listing
Kapag tinawagan na po tayo ng developer na approved na ang ating loan, ang susunod pong activity ay "Punch Listing". Dito po ay initially pinapa visit po tayo ng developer sa ating unit para ito for inspection. Lahat po ng defect na pwede nating makita like basag na bintana, sirang tiles, punding ilaw, at kung ano pa pong pwede nating makita ay atin pong ililista at kanila pong aayusin. Kung wala po tayong nakitang mga defect much better. But right after po na maayos nila ito at you agree na okay na then ibibigay na po ng developer ang "susi" ng ating bagong bahay. Congratulation po to your new house and lot!

FEATURED PROPERTY


CLICK PICTURES FOR DETAILS

Project : Brightwood Villas
Location : Sto Tomas Batangas

Batch 5 Sample Computation

Total Contact Price : 974,180.84
Gross equity : 139,180.84
Less Res 5,000

Net Equity : 134,180.84

Equity term : 24 months
Monthly equity 5,590.87


Pagibig Amortization
30yrs : 5,209.31

Required Income : 15K - Basic (pwedeng combine
Income ng mag-asawa, magkapatid na single,
magkaibigan or magkasintahan)



Contact Us
Sun : +63933.813.0418
Globe : +63995.430.1986

LAZADA ELECTRONICS

Related Posts:

3 comments:

  1. Pwede rin po kayong mag leave ng message or question dito regarding sa BLOG na ito.

    ReplyDelete
  2. thank you po sa mga impormasyong nbasa ko dito pagibig housing at ng karoon ako ng idea paano mg loan ng bahay ofw po ako saudi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yung po talaga ang purpose ng mga information. This is to give idea lalo na po sa OFW kung paano po sila mag invest ng bahay kahit nasa abroad para po pag-uwi nyo dito nakikita nyo na yung ilang taon na tiniis nyo at pinaghirapan abroad..salamat po ang nakatulong ito sa inyo

      Delete