Paano nga ba ang proseso kapag kukuha ka ng bahay gamit ang inyong PAG-ibig membership?

Isa po siguro sa pangarap ng isang pamilyang pilipino na matagal ng nangungupahan ay ang magkaroon ng bahay na matatawag pong kanila. Pero paano nga ba ang proseso kapag kukuha po tayo ng bahay bilang isang empleyado na kinakaltasan ng HDMF contribution buwan buwan.


May dalawa po kasing option na pwede nating gawin. Una po ay kung may ibinebentang bahay malapit sa inyong lugar o kahit sa ibang dako at gusto nyo itong bilhin gamit ang inyong PAG-ibig membership. Kapag ganito po ang gusto ninyo ay maghanda po tayo ng maraming oras para sa paglalakad ng mga papeles at personal na pag-apply nito sa PAG-ibig. Kapag ganito po kasi lahat po ng pagsasaayos ng mga papeles ay gagawin mismo ng gustong bumili ng bahay. Kayo po mismo ang pupunta kay PAG-ibig para gawin at kunin ang anumang documents na kanilang kailangan para po sa bahay na inyong gustong bilhin.



Ang pangalawang option naman po ay pagbili ng bahay sa mga subdivision na itinatayo ng mga housing developer. Kapag ito naman po ang option na pinili natin, usually ang naglalakad po ng pagproseso sa PAG-ibig ay developer na po ang gumgawa lahat. Bilang buyer tayo po ay nagpapasa na lamang ng mga kailangan dokumento sa developer at sila na po ang bahala sa proseso.

Dito po sa option 2 iikot ang ating BLOG for today. Tinatawag din po itong "developer assisted account". Ang disadvantage po nito ay medyo kailangan ng pagtitiis ng ilang buwan o taon para malipatan po natin ang bahay. Sa option 1 po kasi nakatayo na ang bahay na binibili natin sa isang tao. Pero kagaya nga po ng nasabi na sa itaas kayo naman po ang gagawa ng lahat ng pagproseso para mabili ang bahay.


Eights (8) Steps in Buying a Developer assisted housing loan thru PAG-ibig.

1. Sa ngayon panahon kapag naghahanap po tayo ng bibilihing bahay o ibang bagay, kalimitan po ay ginagamit natin si Google gamit ang internet. Minsan naman po ay nakikita natin sa Facebook na napapadaan sa ating newsfeed ang larawan ng isang bahay. Kailangan po muna ay maitanong natin sa ating sarili kung ano talaga ang mga dapat nating batayan para sa pagpili kagaya ng presyo, location, malapit ba sa school, atbp. Kapag sigurado na po tayo ay saka po natin tawagan o kausapin ang Broker o ahente ng bahay na ating nakita.
Note : Transact only to Brokers or Real Estate Salesperson na may PRC and HLURB licensed.

2. Kapag nakatawag na tayo at naitanong na natin ang mga ilang detalye na ating hinahanap, karaniwan po ang susunod na step ay ang pagpunta sa actual na location kung saan itatayo ang subdivision. Mahalaga po ito para ma verify po natin kung talagan papasok nga ito sa ating pangangailangan. Dito rin ay makikita natin ng actual ang itsura ng bahay na ating binibili sa pamamagitan ng kanilang mga model houses. Mahalaga po dito ay maunawaan natin kung ano talaga ang itsura ng bahay na ibibigay or tinatawag na turnover unit. Minsan po kasi ay nadadala tayo sa ganda ng kanilang mga "Dressed Up" unit. Ito po ung bahay na nilagyan na ng interior design ng developer para bigyan naman ng idea ang buyer kung paano naman nya pagagandahin ang unit na kanyang binibili.

3. Ang susunod pong steps ay ang Reservation po ng unit. Dito po ay may mga form po tayong kailangan pirmahan kagaya ng Client Information at Reservation Agreement. Karaniwan po ay kailangan may dala po tayong mga initial requirements para tayo po ay makapag pareserved ng unit. Ang mga initial requirements po ay ang mga sumusunod;

  1. Latest 1 month payslip
  2. Colored copy of company ID
  3. Colored copy of 2 government IDs ( SSS, TIN, Postal, Passport, PRC, UMID, etc)
  4. Billing Address
Kailangan po ng developer ang mga ito para ma verify if tayo po ay qualified financially at para ma double check ang correctness ng mga personal data na ating iniligay sa mga form.

4. Kapag tayo po ay nakapag pa reserved na ng unit ang susunod naman po ay ang ating monthly downpayment na karaniwang nagsisimula isang buwan matapos po ang ating reservation. Karaniwan po sa mga developer ay pinagpapasa tayo ng Post Dated Checks (PDC) para sa ating monthly downpayment. Sample ang ating pong downpayment ay 12 months to pay, tayo po ay mag iissue sa kanila ng 12 pcs na PDC. Sa ganitong paraan po kasi madali para sa kanila ang ma-monitor ang ating monthly payment and sa side naman po nating namimili ay di na natin kailangan pumunta ng pumunta sa kanilang opisina para sa payment. Ang Official Receipt naman po ay pwede nating kuhain sa developer. Pero syempre hindi po tayo pupunta dun buwan buwan para lang kumuha ng OR. Mag set po tayo ng timeline na every 4 or 6 months saka tayo mag request ng mga resibo para sa ating naibayad para maging maginhawa rin sa atin ang di pagpunta ng madalas.

5. Liban po sa ating buwanang paghuhulog ng downpayment ang next step din after reservation ay ang pagkumpleto ng mga requirements. Ito po ang ilang sa mga karaniwang hinihingi ng developer liban dun po sa initial requirement na atin pong naipasa ng tayo po ay nag reserved ng unit.
  1.  Xerox copy of NSO Birth Certificate
  2.  Xerox copy of NSO Marriage Certificate (If married)
  3.  ITR (Income Tax Return)
  4.  Certificate of Employment with Compensation (COEC)
  5.  ESAV (Kinukuha kung saang Pagibig Branch nag remit ang ating company)

6. Ang susunod pong proseso ay muling pag submit ng ilang documents kagaya ng payslip at ESAV. Karaniwan po na sasabihan ang buyer o ang kanyang Broker or Agent na kailangan nya uling mag submit ng mga dokumentong nabanggit. Ito po ay kailangang gawin para matiyak kung ang kumukuha ng bahay ay employed pa rin. Pwede po kasi na sa loob ng 12 months na paghuhulog ng buwanang downpayment ang buyer ay nawalan ng trabaho. Ang isa po kasi sa critical sa gagawing desisyon ng PAG-ibig para i approved ang ating housing loan application ay kailangang employed. Dito po kasi makikita na meron pa rin tayong kakayahang magbayad buwan buwan.

7. Kasunod na po nito ay ang muling pagtawag na developer para po makapirma tayo ng NOA (Notice of Approval) na dokumento. Medyo kailangan po nating mag praktis dito na pumirma ng makapal na dokumento. Marami pong pages ng mga dokumento ang atin pong lalagyan ng signature bilang proof na atin po itong binasa. Kaya if may time po kayo ay basahin din po natin ang mga dokumentong ito na hindi ko na po nagawa noong ako ay kumuha ng bahay dahil nga po sa sobrang kapal na, ay masayado pa pong maliit ang pagka imprenta.

8. Ang pinakahuli po ay muling pagtawag ng Developer na lumabas na po ang ating "Loan Take Out" na kanilang sinasabi sa buyer. Kapag ganito na po ibig sabihin ay makakalipat na po tayo sa ating bagong bahay.

Ang pagkuha po ng bahay sa mga developer ang masasabi ko pong medyo kailangan ng mahabang pasensya. Kasi minsan po talaga may mga dokumento na minsan ay paulit ulit na hiningi kasi minsan hindi po match ang mga signatures. Pero imagine po natin kung tayo pa mismo ang napunta ng PAG-ibig para mag asikaso nito. Kung ang BLOG na ito ay nakatulong po sa atin ay maari po natin din itong i Share para po matulungan din natin ang iba na nagtatanong kung paano nga ba ang nagiging proseso sa pagkuha ng bahay gamit ang ating PAG-ibig membership.








LEAVE A COMMENT

No comments:

Post a Comment